Ang aming serbisyo ay hindi pa lubos na multi-lingual, at karamihan ay nakasulat pa sa wikang Ingles.
Dahil dito, minarapat naming gabayan kayo sa wikang Filipino kung paano magbigay ng donasyon at mapadali ang prosesong ito.
Una, makikita ninyo ang pahinang ‘Adhikain’ [‘Cause’ page].
Sa susunod na pahina naman ay maaari ninyong piliin ang isa sa mga iminumungkahi naming halaga na maaari ninyong i-donate. Maaari rin kayong maglagay ng halagang nais ninyo.
Pagkatapos ay mapupunta kayo sa isang pahinang third-party. Dito, kailangan ninyong ilagay ang inyong mga detalye upang magbayad gamit ang inyong credit card o [PayPal] account.
Kung kayo ay nagbabayad ng buwis sa Reino Unido (United Kingdom), maaari rin kayong mag-rehistro para sa [Gift Aid] upang lakihan ang inyong donasyon at magkaron ng tsansang makakuha ng personal tax refund.
Kung hindi naman kayo nagbabayad ng buwis sa Reino Unido, maaari ninyong laktawan ang [Gift Aid].
Pagkatapos ninyong magbigay ng donasyon, maaari ninyong ipaalam ito sa inyong mga kapamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng Facebook o Twitter.
Nawa’y natulungan kayo ng gabay na ito. Pagkatapos ninyong i-click ang [Tumuloy, ‘Proceed’] na buton, mapupunta kayo sa pahinang nakasulat sa Ingles upang kayo’y makapag-donate.